End-the-Year Detox: Mental Health Check for Exhausted OFWs Abroad | OFW – Overflow of Faith & Wealth
End-the-Year Detox: Mental Health Check for Exhausted OFWs Abroad Its December once again. For some it is a holiday season — puno ng saya, gatherings ng pamilya, mga kaibigan, at bakasyon. Pero para sa maraming OFWs, iba ang kwento. Habang ang buong mundo ay nagsasaya at nagdiriwang, may OFW na nasa maliit na kwarto, pagod mula sa trabaho, malamig ang gabi, at mag-isa. Kung minsan, tinatanong mo sarili mo: “Kaya ko pa ba?” “Hanggang kailan ako ganito?” Kung ikaw ’yon — pagod physically, emotionally, mentally drained — this article is for you. Dahil ngayong end of the year, gusto kitang tulungan mag-pause, huminga, at mag-detox ng isip at puso. Hindi ka robot. Hindi ka money machine. Tao ka. At deserve mong maalagaan. Why OFWs Carry Heavy Mental Burdens Hindi madali maging OFW — isa ka sa pinaka-resilient, pero kahit gaano ka katatag, napapagod din. Malayo sa pamilya — Iba ang lungkot pag wala ka sa special moments. Pagod sa trabaho — 10–14 hours minsan, tapos uuli...